|
|
Christmas Party 2001
Ben Racela's House, Fairview QC
Dec. 29, 2001
Mga Ka-batch,
Salamat sa lahat ng nagdalo nung huling pagtitipon natin na ginanap sa tirahan ni Ben Racela
(pre, kelan pwede maulit?). Kahit medyo ma-trapik ang pagpunta rito ay meron pa rin tayong
mga kasamahan na nakalusot at nakisaya ng gabing iyun.
Ginulat mo kami, Carlo de Castro na nanggaling pa sa bansang Hapones (ala ka bang baon na
japayuki?) Salamat sa iyung pagbigay ng alay sa samahan natin at sa ibibigay mo pang
mga tulong. Hindi namin tatanggihan iyan (tama ba, Philip). Kay Jeff Manulid na nangibabaw
sa kanyang kasuotan (pero alang dadaig kay Kulas). Welkam bak, bro pero di mo na kami
binalikan nung bumatsi ka sandali! Sa uulitin na lang. Kay Allen Isidro na kahit late
ay humabol pa rin (pre, para ka raw kaha ng yosi sa suot mo). Salamat na rin at hinatid
mo si Gng. Canave sa pag-uwi.
Sa dos por dos brothers, kay Mon Correa (ayusin mo na yung jamming) at si Raul Clemente
(ayos ang mga CD's at titimbrihan ko si Roy F. para ma-audit ka na at ang lakas ng benta).
Inunahan ko na sila at ako ay nagpapasalamat sa mga bumili at bibili pa lang at malaki ang
tulong nito sa paglikap ng munting yaman para sa samahan. Kay Mario Mariano na humabol
din (yung bote na dala ay itago ninyo para sa susunod na happening). Si Boom San Agustin
(kahit late ka dumating sa usapan natin) pero malaki na ang nagagawa para sa ikabubuti
ng samahan natin. Keep it up 'bro but you are a revelation (pre, pakilala mo kami ha).
Si Philip Felix na sabi aalis ng alas-9 pero 10:30 na naka-alis at susundo (raw!) sa
airport (sige na, maniniwala na kami).
AJ Fausto, salamat sa pagdating at sa wakas ay nakunan ka na rin ng litrato. Kay Rommel
Paderon na tinanggap na yung chairmanship ng fellowship komite. Simulan mo nang maghanap
ng pupuntahan sa susunod na meeting (balita ko, lalabas na yung lookalike mo).
Naka-maskara ba, abangan! Si JP Lirios na oks pa rin at kool na kool. Parang hango ito
sa kanyang initial na JKL (bahala na kayong mag-pronounce). Si Jake Domingo na malawak
pala ang bahay (ayos ba yung sopa nila? sarap ng tulog mo!). Makakalimutan ba natin
ang chairman ng reunion natin sa February na walang iba na si Aids Lecaros (ayos yung
dala mong pulutan). Tingnan mo, ikaw ang huling binati kasi ikaw ang pinaka-late eh.
Siyempre, kay Gng Canave sa kanyang walang sawang pagsubaybay sa atin (siyempre, sipsip
ako kaya no comment). Higit sa lahat, sa maybahay ni Ben na si Belinda sa kanyang
pag-asikaso sa ating lahat. Naiintindihan na namin kung bakit ka pa lalong lumapad, Ben!
Sa mga hindi nakadalo nguni't nagpa-abiso, salamat din at alam namin na ang ang inyong
mapanlarong mga utak ay nasa amin ng gabing iyun. Na-miss ka namin Joseph Literal at
wala raw mapaglaruan. Sa mga hindi nakadalo, pilitin ninyong makapunta sa susunod pang
pagtitipon at hindi kayo magsisisi.
Mabuhay ang Batch '82!!!
George P. Escarraga
|
|
|
|